Bago tayo dumako sa buong kwento ng Ibong Adarna bawat kabanata, mahalagang maunawaan muna kung ano nga ba ang koridong ito. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng , isang tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma, karaniwang may walong pantig kada linya at apat na linya kada saknong. Ito ay nagmula sa di-tiyak na bansa sa kontinente ng Europa kung kaya't hindi rin tiyak kung sino ang orihinal na sumulat nito. Nagsimula lamang itong sumikat ng isalin sa katutubong wika at naging bahagi na ng panitikan at mitolohiyang Pilipino.